HOME


CIVIL CODE OF THE PHILIPPINES

Artikulo 42.

Ang Personalidad Sibil ay nawawakasan ng kamatayan.

Ang epekto ng kamatayan sa panahon ng karapatan at tungkulin ng namayapa na ay natutukoy ng batas, ng kasunduan, at ng kagustuhan.

Artikulo 30.

Kapag ang isang hiwalay na Aksyong Sibil ay nagdala sa hangaring Pananagutang Sibil na nagbubuhat sa isang pagkakasalang kriminal, at walang kriminal na paglilitis ay pinasimulan sa panahon ng pagkabinbin ng kasong sibil, ang  pananaig ng ebidensiya ay dapat ding maging sapat na upang mapatunayan ang gawaing inirereklamo.

Artikulo 18.

Sa mga bagay na kung saan ay nasasaklaw ng Kodigo ng Pangangalakal at mga espesyal na batas, ang kanilang kakulangan ay nararapat na matugunan sa pamamagitan ng mga probisyon ng Kodigong ito.

Artikulo 14.

Ang Penal na batas at ang mga pampublikong seguridad at kaligtasan ay dapat na maging tungkulin ng lahat ng mga taong nakatira o pansamantalang naninirahan sa teritoryo ng Pilipinas, saklaw ng mga prinsipyo ng pampublikong pandaigdigang batas at sa takdang kasunduan.

Artikulo 13.

Kapag ang batas ay tumukoy sa taon, buwan, araw o gabi, ito ay dapat na maunawaan na ang isang taon ay katumbas ng tatlong daan at animnapu at limang araw; ang buwan, ay binubuo ng tatlumpu araw; ang araw, ay may dalawampu at apat na oras; at ang gabi ay mula pagsikat hanggang sa paglubog ng araw.

Kung ang buwan ay tukoy sa kanilang mga pangalan, ito ay dapat kalkulahin ayon sa bilang ng araw na bumubuo dito.


Sa pagkwenta ng panahon, ang unang araw ay hindi dapat ibilang, at ang huling araw ay syang isasama

Artikulo 12.

Ang isang kaugalian ay kinakailangang mapatunayang totoo, alinsunod sa alituntunin ng katibayan.

Artikulo 11.

Ang mga kaugalian na taliwas sa batas, pambublikong kaayusan o pampublikong patakaran ay hindi pinahihintulutan.

Artikulo 10.

Sa oras ng pag-aalinlangan sa pagpapakahulugan o pagpapatupad ng batas, itinuring na ang mga kinatawan sa paggawa ng batas ay naghahangad sa karapatan at katarungan na manaig.

Artikulo 9.

Walang hukom o hukuman ang maaring tumanggi upang magbigay ng paghatol sa kadahilanan ng katahimikan, kalabuan o kakulangan ng mga batas.

Artikulo 8.

Ang panghukuman desisyon na tumutukoy o nagpapaliwanag sa mga batas o sa Konstitusyon ay dapat magkaroon ng bahagi sa legal na sistema ng Pilipinas.

Artikulo 7.

Ang mga Batas ay napawawalang-bisa lamang ng mga kasunod nito, at ang paglabag o hindi pagtalima ay hindi dapat maging dahilan ng hindi pag-gamit, o pag-ugali o pagtupad dito.

Kapag ipinahayag ng hukuman na ang isang batas ay di naaayon sa Konstitusyon, ang nauna ay dapat mapawawalang-bisa at ang huli ang syang susundin.

Ang pampangasiwaan o tagapagpaganap na batas, kautusan at tuntunin ay mabibigyan lamang ng bisa kung ang mga ito ay hindi labag sa batas o Saligang-Batas.


Artikulo 6.

Ang Karapatan ay maaaring talikdan, maliban kung ang pagpapaubaya ay salungat sa batas, pambublikong kaayusan, pampublikong patakaran, moralidad, o mabuting kaugaliaan, o makasasama sa siyang may karapatang kilalanin ng batas.

Artikulo 5.

Ang mga Batas na ipinatupad na labag sa mga probisyon ng pinag-uutos o pinagbabawal na batas ay mapapawalang bisa, maliban kung ang batas mismo ang nagpapahintulot sa bisa nito.

Artikulo 4.

Ang mga Batas ay hindi dapat magkaroon ng bisa sa nakaraan, maliban kung ito ay salungat sa nakasaad.

Artikulo 3.

Ang kamangmangan sa batas ay hindi dahilan ninuman upang hindi tumalima dito.

Artikulo 2.

Ang mga Batas ay magkakaroon ng bisa pagkaraan ng labinlimang araw alinsunod matapos ang pagkalathala nito sa Opisyal na Pahayagan, maliban kung ito ay nakasaad na. Ang Kodigong ito ay magkakabisa pagkaraan ng isang taon matapos na ito ay mailathala.

Artikulo 1.

Ang Batas na ito ay kikilalaning “Kodigo Sibil ng Pilipinas”